Isang bangkay ng babae ang nakita sa isang ilog sa Villasis, Pangasinan. Ang biktima, nakahubad at sunog pa ang ilang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing may nakitang sugat sa ulo at marka sa leeg ang bangkay na tila indikasyong sinakal ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.--FRJ, GMA News