Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nangangailangan ang Germany ng 750 Filipino registered nurses na ang paunang sahod kada buwan ay aabot daw sa €2,300 o katumbas ng mahigit P135,000.

Sa ulat, sinabi ng DOLE na naghahanap ang International Placement Service of the German Federal Employment Agency ng mga kuwalipikadong aplikante para sa mga sumusunod na posisyon:

  •     Intensive Care Unit
  •     Geriatric Care/Nursing Home/Elderly Care
  •     General Ward
  •     Medical and Surgery Ward
  •     Operating Room
  •     Neurology, Orthopedics and related fields
  •     Psychiatry
  •     Pediatrics and Neonatal Ward.

Ayon sa DOLE, ang nursing homes sa Germany ay inpatient facilities na ang mga geriatric nurse ay mag-aasikaso sa mga nakatatanda na may iba't ibang health conditions.

Ang mga rekisitos ay ang mga sumusunod:

  •     Filipino citizen and permanent resident of the Philippines
  •     Bachelor of Science in Nursing
  •     Active Philippine Nursing License
  •     At least one (1) year related professional experience (bedside) in hospitals, rehabilitation centers and/or care institutions.
  •     Applicants must have German language proficiency or willing to undergo German language training in the Philippines to attain Level B1 (to be paid by the employer)
  •     Must be able to attend the language class in November 2021-January 2022; or with B1 or B2 Language Proficiency Level in accordance with Common European Framework of Reference for Languages

Ayon sa DOLE, ang mga matagumpay na aplikante ay makatatanggap umano ng starting monthly salary na €2,300 o katumbas ng  P135,700.

Tataas pa ito sa €2,800 o P165,200 kapag tuluyan nang kinilala bilang "qualified" nurse.

Ang employer na rin umano ang magbabayad sa translation of recognition documents at certification, at pati na sa medical checks.

Mayroon din bonus payment na €250 kapag naipasa ang A2 at B1 sa first take. Sagot naman ng employer ang visa at airfare at tutulong din sila sa kanilang empleyado sa paghahanap ng matitirhan nito.

Maaaring magpatala at kumuha ng appointment ang mga interesadong aplikante sa www.poea.gov.ph o //onlineservices.poea.gov.ph/OnlineServices/POEAOnline.aspx, at magsumite ng mga dokumento sa Blas F. Ople Bldg. (formerly POEA Bldg.), Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City.

Ang mga documentary requirements ay ang mga sumusunod:

  •     Cover letter and curriculum vitae with colored passport size picture
  •     Nursing Diploma (notarized copy)
  •     Board Certificate and copy of license from the Professional Regulation Commission (PRC)
  •     Certificates of employment in related field (previous and current) (notarized copy)
  •     Attendance and/or level certificate for German language, if available
  •     Copy of valid passport

Sa Agosto 27, 2021 ang deadline sa pagsumite ng aplikasyon sa POEA regional offices, habang sa Agosto 31, 2021 naman para sa mga aplikante sa central office (POEA - Ortigas).—FRJ, GMA News