Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaprubahan niya ang rekomendasyon na sibakin sa serbisyo ang dating embahador ng Pilipinas sa Brazil na nahuli-cam na nananakit ng kaniyang kababayang kasambahay.
Sa televised address ni Duterte nitong Lunes, sinabing kanselado na ang eligibility ni Marichu Mauro bilang opisyal sa gobyerno.
Dahil dito, walang matatanggap na retirement benefits ang opisyal.
Hindi na rin siya puwedeng humawak ng posisyon sa gobyerno at hindi na rin puwedeng kumuha ng civil service examination si Mauro.
Naging kinatawan ng Pilipinas sa Brazil si Mauro mula noong Marso 2016, at nasa serbisyo ng foreign service mula pa noong Pebrero 1995.
Noong Oktubre 2020, pinauwi ng Department of Foreign Affairs sa Pilipinas si Mauro matapos lumabas sa TV report ang video ng ginagawa niyang pagmamaltrato sa kaniyang kasambahay na Pinay.
Ayon sa DFA, unang nakauwi ng Pilipinas ang kasambahay.
Tinutulungan naman ang kasambahay ng nonprofit OFW group na Blas F. Ople Policy Center para sa legal at livelihood assistance.
Una rito, tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, na tutukan nila ang kaso ni Mauro βto the fullest extent of the law.ββFRJ, GMA News