Nadagdagan ng 127 ang mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19 dahil sa tumaas na bilang ng mga nagpopositibo sa virus sa isang bansa sa Europe.
Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabing 13,760 na ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na nagpositibo sa COVID-19.
"The reported spike is due to another surge in COVID-19 cases reported in one country in Europe," ayon sa DFA.
“The DFA personnel in our Foreign Service Posts remain steadfast in partnering with local health authorities and commit to tirelessly attending to the needs of our people, whenever possible,” dagdag pa nito,
22 January 2021
— DFA Philippines (@DFAPHL) January 22, 2021
The DFA received reports of 127 new COVID-19 cases, 46 new recoveries, and no new fatality among Filipinos in Asia and the Pacific and Europe. The reported spike is due to another surge in COVID-19 cases reported in one country in Europe. (1/2)@teddyboylocsin pic.twitter.com/FM3FR1OXa9
Sa bilang ng mga nagkasakit, 8,794 na pasyente na ang gumaling matapos madagdagan ng 46. Patuloy namang ginagamot ang 4,022 na pasyente.
Wala namang naitalang bagong nasawi kaya nanatili ang bilang sa 944.
Ang Middle East/Africa pa rin ang lugar sa mundo n mayroong pinakamaraming Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19 sa bilang na 7,845. Kabilang dito ang 4,752 na gumaling at 605 na nasawi.
Sumunod ang Asia Pacific Region (2,757 cases na may 1,967 recoveries at 21 fatalities); Europe (2,344 cases na may 1,542 recoveries at 118 fatalities); at Americas (814 cases na may 533 recoveries at 200 fatalities).—FRJ, GMA News