Sa first-ever interview sa Philippine television ng South Korean actor na si Kim Ji Soo, tinanong siya tungkol sa katangian ng babae na kaniyang hinahanap.

"My ideal type is someone who has bright and positive personality," ayon kay Kim Ji Soo sa panayam ni Nelson Canlas na ipinalabas sa GMA News "24 Oras."

"I think someone who always who thinks negatively is kind of a red flag to me," dagdag pa ng Korean actor, na mapapanood sa Kapuso series na "Black Rider" bilang isang half-Korean, half-Filipino assassin.

Tinanong din ang aktor kung ok sa kaniya na makipag-date sa isang hindi Korean.

"Actually yes. To be honest, I did a long time ago. So actually it's not a big deal to me if they are from another country," sagot niya.

Kabilang sa mga Korean drama na pinagbidahan ni Kim Ji Soo ang "Strong Girl Bong Soon" at "Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo."

Sa teaser ng action series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid, ipinakita na kasama ni Kim Ji Soo sa eksena ang mga karakter nina Calvin (Jon Lucas) at Vanessa ( Yassi Pressman). —FRJ, GMA Integrated News