Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, ibinahagi ni Dina Bonnevie ang hirap ng kaniyang kalooban nang magkahiwalay sila noon ni Vic Sotto, at naging bagong karelasyon ng komedyante si Coney Reyes.

BASAHIN: Dina Bonnevie, binalikan ang bigat ng damdamin nang maghiwalay sila noon ni Vic Sotto

Ayon kay Dina, na naging single mom sa edad na 23 sa dalawang anak nila ni Vic na sina Danica at Oyo, hindi sila nag-aaway na mag-asawa sa harap ng kanilang mga anak kaya ikinagulat ng mga bata nang hindi na umuuwi sa kanila si Vic.

"We never fight in front of the kids and I never bad mouth their dad to the children. Never," ani Dina na 19-anyos nang ipagbuntis si Danica. "I always say, 'You only have one dad and that's your dad, and you have to respect him."

Ikinasal sina Dina at Vic noong 1982, ngunit naghiwalay noong 1986 at napawalang-bisa noong 1992.

Matapos ang kanilang pagsasama, naging karelasyon ni Vic si Coney, na naging bunga si Pasig Mayor Vico Sotto.

Sinabi ni Dina na dumaan ang mahabang panahon bago niya natutunang patawarin sina Vic at Coney, at mag-let go.

"It took a lot of time, until the point na Danica was telling me 'Alam mo mommy you're so bitter. I wish you would really let go, because you are so bitter,'" pag-alala ni Dina.

Ayon sa kaniya, palagi siyang nagrereklamo noong mga panahong nahihirapan siya bilang isang single mom, at nakikita ito ng mga bata.

"Kasi 'di ba ang bata bata ko, I should have a man with me. I'm so pretty! But why?," balik-tanaw ni Dina. "I wasn't a child anymore, but 23 is young. You don't understand a lot of things."

Kalaunan, natuto rin si Dina na tanggapin ang mga pangyayari.

"Through time, sabi ko, walang pupuntahan ito unless I really let go and just accept that it's like this," saad niya.

Hanggang sa isang araw, niyaya siya ni Coney sa kanilang church.

"Nakita ko na she changed in leaps and bounds, like bringing  people to God, bringing people to Jesus, telling people about the Good News of salvation. So I asked myself, 'Is this a person I would like to hate? I can't hate this person. I can't," sabi ni Dina.

Dito, natutunan umano ni Dina na patawarin si Coney.

"I let it go. I gave her a bunch of white roses and I said 'I forgive you,'" patuloy ng aktres. "I forgave her, I forgave Vic, I also sent him flowers and I said 'I forgive you.' But most of all, I forgave 'me.'"

"I went to the beach one time with the kids and I imagined myself throwing all my tears into the sea, all my sama ng loob, draining it out. 'I'm letting you go. I want a fresh start, a new me," patuloy niya.

"I'm still valuable, I'm still able, I am worth it, I can reinvent myself, all is not lost. I can do things.' And that's what happened," sabi ni Dina.--FRJ, GMA Integrated News