Nawindang ang Kapuso actress na si Carla Abellana nang malaman ang napakalaking halaga na sinisingil sa kaniya sa credit card.
Sa kaniyang Instagram post, inilahad ni Carla na in dollars ang naka-charge umano sa kaniyang credit card na ang katumbas na halaga ay aabot sa mahigit P600,000.00
“Lord, how will I pay for the $11,087.33 that was charged to my BDO Mastercard?” saad ni Carla na may pleading face emoji.
Sa kasalukuyang palitan ng piso at dolyar, aabot ang naturang halaga sa P621,904.97.
Hindi binanggit ni Carla kung awtorisado niya ang paggamit ng naturang halaga pero tila nawawalan siya ng pag-asa sa sumunod na posts sa thread.
“Heartbreaking,” post pa ng aktres, na sinundan ng, “Losing hope...”
Bibida sa Carla sa upcoming series na "Stolen Life," kasama sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez. — FRJ, GMA Integrated News