Naghain na ng counter affidavit si Lee O’Brian hinggil sa deportation case na isinampa ng kaniyang dating partner na si Pokwang laban sa kaniya.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing ito ang kinumpirma ng Bureau of Immigration, na inihayag na pag-aaralan ito ng kanilang legal division.

Nagsampa si Pokwang ng petisyon para ipa-deport si O’Brian nitong Hunyo 13.

“We maintain that Mr. William Lee O'Brian must be deported immediately from the Philippines,” sabi ng kampo ni Pokwang sa isang pahayag.

“Undesirable aliens have no place in this country,” dagdag pa ng kampo ng komedyante.

“With this case we are pursuing, we are putting a stop to the gross manipulation of Philippine Immigration laws and the acts of abuse against our client, Ms. Marietta Subong. The Philippines must be a safe place for everyone, especially us Filipinos.”

Tumangging magbigay ng panayam at pahayag ang kampo ni O’Brian. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News