Nasawi ang 29-anyos na South Korean actress na si Park Soo Ryun nitong Linggo matapos na mahulog umano sa hagdanan.

Sa ulat ng Soompi, sinabing pauwi na ang aktres nang mangyari ang trahedya.

Nagpasya umano ang pamilya ng aktres na i-donate ang kaniyang organs.

"Only her brain is unconscious, and her heart is still beating. There must be someone who desperately needs [organs]," pahayag ng ina ng aktres.

"As her mother and father, we will be able to live comforted [by the thought that her heart] has gone to someone and is beating," dagdag nito.

Nagsimula ang karera ni Park Soo Ryun sa creative musical "Il Tenore" noong 2018.

Napanood din siya sa South Korean drama na "Snowdrop," kasama ang Blackpink member na sina Jisoo at Jung Hae In. —FRJ, GMA Integrated News