Kasalukuyang nasa bansa si Chris Hemsworth para sa promotion ng pelikula niya sa Netflix na “Extraction 2.”

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa Balitanghali nitong Martes, sinabing nagbabalik ang Hollywood actor sa pelikula bilang si Tyler Rake.

Ayon kay Chris, excited siyang balikang muli ang kaniyang karakter.

Kasama rin ni Chris ang direktor ng pelikula na si Sam Hargrave.

Dinaluhan ng ilang Sparkle stars ang red carpet event ni Chris tulad nina Khalil Ramos, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Sofia Pablo at Allen Ansay.

Present din ang magkapatid na sina Rodjun at Rayver Cruz, at Alden Richards.

Nasa event din ang aktor at Film Development Council of the Philippines chair na si Tirso Cruz III.

Isang maswerteng fan ang nagkaroon ng pagkakataon na makasama si Chris onstage, at may advance screening pa sa event.

“What an amazing welcome in here. It’s a beautiful place, it got wonderful people,” sabi ni Chris. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News