Napuno ng tawanan at tuksuhan ang guesting ng dating "Eat Bulaga" dabarkads na si Sugar Mercado sa "The Boobay and Tekla Show."

Nahulog pa sa upuan si Sugar nang tabigin ni Boobay nang biruan ng dating EB dancer na marami itong utang sa inaanak.

Ayon kay Boobay, magaganda at bright ang dalawang anak ni Sugar, na itinataguyod nito na mag-isa.

Masayang ibinahagi ni Sugar, na busy siya sa pag-aalaga sa dalawa niyang anak na very talented.

"Yung ang pinakabubusihan [busy] ko. Nag-o-online class sila' di ba, nagkapademya so tutok talaga ako sa kanila," ani Sugar.

Ang co-host at "mema" squad member na si Buboy Villar, sinabing amazed siya kay Sugar na single mom at busy sa pagtutok sa kaniyang mga anak.

"Nai-inlove yata ako," sabi ni Buboy na pinukol ng tukso ng iba pang mema squad member.

Sabi ni Sugar, "Mahilig din ako sa ganiyan... 'di ako mahilig sa guwapo."

Biro tuloy ng ibang mema squad member, parang sinabi ni Sugar na pangit si Buboy.

Sa gitna ng tuksuhan, sumingit si Tekla at sinabing, "Ikaklaro ko lang, si Buboy hindi pangit, ako 'yon."

Panoorin ang masayang episode na kasamang nakigulo ang isa pang hot mom na si Max Collins.

--FRJ, GMA Integrated News