Trending ang pagbida ni Bianca Umali sa kaniyang unang music video na “City Girl” kasama ang Pinoy rapper na si Shanti Dope.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa 24 Oras nitong Miyerkoles, mapapanood ang bahagi ng music video ni Shanti kung saan glamorosa at malakas ang dating ni Bianca.

“Unexpected siya actually. I personally listen to Shanti, so nakakatuwa and it was my first music video experience. Nagulat na lang ako sa messages sa akin kaninang umaga na trending siya,” sabi ni Bianca.

Ayon kay Bianca, kakaibang experience ang magshoot ng music video, at umaasa siyang magkakaroon ng collab sa hinaharap kasama si Shanti.

“Bakit hindi? Alam mo naman ang talaga ay secret talent ko ‘yan,” sabi ni Bianca.

May mahigit 1.3 milyong views na ang video na ni-release noong nakaraang linggo. —Jamil Santos/NB, GMA Integrated News