May plano na bang mag-migrate si Heart Evangelista sa France na itinuturing niyang second home, matapos na bumili rin ng apartment sa Paris?

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes, sinabing sunod-sunod na fashion show ang dinaluhan ni Heart sa mga nakaraang buwan sa Milan, Italy at Parise.

Nasa Pilipinas ngayon si Heart para sa ilang commitment., pero babalik din siya sa Paris ngayong Disyembre.

Gayunman, nilinaw ni Heart na hindi siya magma-migrate, at ang Pilipinas pa rin ang kaniyang homebase.

"I just really like to invest on properties. I'm always there so, imbes na mag-hotel, at least meron akong sariling lugar," paliwanag ng Kapuso Queen of Creative Collaborations.

Marami aniyang nadiskubre si Heart tungkol sa kaniyang sarili nang mamalagi sa Paris.

"Grocery, cooking, lahat. Late bloomer? Kahit nahihirapan kang maglaba, maganda naman 'yung background, nakagagaan ng feeling," ani Heart.

Masaya si Heart sa takbo ng kaniyang buhay, at puno ng pag-asa ang pagharap niya sa 2023.

"I turned 38 this February, and then it's gonna be my lucky number 8, and you need to really celebrate 8 and isabay mo siya sa lahat ng good happenings in life," saad ni Heart.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News