Nagmukhang clowns at naging tila duguan ang mga runner sa kakaibang lipstick challege sa "Running Man Philippines." Si Lexi Gonzales, isinigaw ang takot matapos makababa sa pagkakasabit.
Sa nakaraang episode ng naturang reality game show, pares-pares na sumalang sa Sky X ang mga runner. Habang nasa ere, kailangan nilang lagyan ng lipstick ang labi ng isa't isa.
Si Buboy Villar na abot-langit din ang takot, ang bestfriend na si Ruru Madrid ang nakasabay at nagpapakalma sa kaniya.
Mukhang nag-enjoy naman sa naturang rides ang magkatambal na sina Glaiza de Castro at Angel Guardian.
Pero si Lexi, nakapikit na sa unang salang pa lang sa rides, kasabay ang partner niyang si Mikael Daez.
Kaya naman nang kailangan nang lagyan ni Lexi ng lipstick ang labi si Mikael, namula ang halos buong mukha ng aktor.
Tunghayan sa video ang naging reaksiyon ni Lexi matapos ang challenge, at alamin kung sino ang nanalo. Panoorin ang isa namang riot sa katatawanan na episode ng "Running Man Philippines."--FRJ, GMA Integrated News