Isang believer ng digital economy, inilahad ni Myrtle Sarrosa na nag-invest siya kasama ang iba pang mga developer para makagawa ng bagong play-to-earn na RPG game.

"Yes nag-fund ako to create some certain games," kuwento ni Myrtle sa "Surprise Guest with Pia Arcangel."

"Since I was one of the first to realize na you can actually earn money when you play games, nag-invest ako sa iba't ibang mga games kung saan puwede kang maglaro at kumita at the same time," pagpapatuloy niya.

Ang tinutukoy ni Myrtle ay ang MetaGods, na kagaya rin ng sumikat na Axie Infinity.

"Nag-partner ako with other developers around the world to make this happen," saad niya. "I invested in LANs (local area network) in the game so that people from the Philippines who want to play the game could use my LAN para makapaglaro sila rito sa space na ito."

Tulad ng Axie Infinity, ginagamitan din ng cryptocurrency ang MetaGods, kung saan puwedeng kumita ang mga tao sa kanilang paglalaro.

Kuwento ni Myrtle, mas nahumaling pa siya sa paglalaro ng online games para magkaroon ng pagkakakitaan nang magkaroon ng COVID-19 pandemic at nabawasan siya ng mga proyekto.

"At first it was parang, you could still cope up. But when your bank account started losing, losing, wala ka nang nalalagay back into your bank, it gave me a little of worry," saad niya. 

Hanggang sa nag-explore si Myrtle at sinubukan ang Axie Infinity, ang sikat na token-based online video game.

Dahil dito, kumikita siya noon ng P1,500 kada araw sa pag-iipon ng NFT o cryto token.

"Aside from being on broadcast media, in entertaining, na-realize ko rin talaga na passion ko 'yung maglaro ng games eh. That's where I found most of my time during the pandemic that made me happy," sabi ni Myrtle. —VBL, GMA News