Hindi nagpakabog at naging showstopper si Heart Evangelista sa dinaluhan niyang haute couture fashion show ng Fendi sa Paris, France.
Sa kaniyang Instagram, makikita ang pagkaelegante ng Kapuso style icon suot ang kaniyang crop top at long skirt.
"On a @fendi high," caption ni Heart.
Nakipag-twinning din si Heart sa German fashion influencer na si Leonie Hanne.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing itinampok din ni Heart ang modern Filipiniana na ipinangalan sa matalik niyang kaibigang si dating senador na si Miriam Defensor-Santiago.
Napahanga rin kay Heart ang isa pang designer brand nang suotin niya ang gawa nilang black outfit.
Nakasama rin ni Heart ang mga aktres na sina Camille Razat at Ashley Park na mga bida sa series na "Emily in Paris." —Jamil Santos/VBL, GMA News