Pumanaw na ang batikang sports broadcaster na si Boyet Sison sa edad na 58 noong Sabado, Abril 16, 2022.

Ayon sa ABS-CBN na nag-anunsiyo ng pagpanaw ni Sison noong Sabado ng gabi, naospital sa unang bahagi ng nakaraang linggo si Sison dahil sa intestinal illness na kailangang operahan.

Ilan sa mga nagmarkang programa ni Sison ang long-running sports television at radio programs na “Fastbreak” at “Hardball.”

Naging radio broadcaster din sa mga laro ng Philippine Basketball Association (PBA) at coliseum announcer ng liga.

Nagsilbing tinig din siya ng mixed martial arts promotion na Universal Reality Combat Championship (URCC).

Isa ring veteran radio disc jockey at news presenter si Sison.

FRJ, GMA News