Inilahad ni Mikee Quintos kung paano siya natuto pa ng comedy sa pamamagitan ng panonood sa beteranang comedianne na si Pokwang sa set ng "Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento."

Sa Kapuso Showbiz News, sinabi ni Mikee na mas nahasa pa ang kaniyang timing pagdating sa comedy sa kaniyang pagganap bilang ang dalagang si Elsa dela Cruz, ang role ni Manilyn Reynes sa mga naunang Pepito Manaloto series.

"I learned, like throughout all the experience na 'yung biggest question ko bago magsimula 'yung show was 'So paano 'yung mga iyak? Iiyak ka talaga?' Ginaganoon ko sila like 'Paano ang atake niyo roon? Totoong drama, masakit ba or pa-joke na iyak?' 'Pag comedy hindi ko alam, hindi ko maintindihan noong una," sabi ni Mikee.

"Pero I realized, kasi tinry kong i-balance sa gitna, pero it doesn't feel right," dagdag pa niya.

Pero mas natuto raw si Mikee sa kaniyang pag-oobserba sa comedy ni Pokwang.

"Tapos pinanood ko si Mamang (Pokwang), nakita ko si Mamang magtrabaho. 'Yung mga iyak ng character niya dina-drama talaga niya, eh 'di ginaya ko," natatawang sabi ni Mikee.

"'Yung ganoong small things, nakikita kong mas may epekto rin, mas natatawa 'yung mga tao, kapag 'yung viewers, nakaka-relate roon sa side mo na kaya mo ring maging drama. Ganoon naman talaga in real life 'di ba? It's a mix of drama, comedy... well hopefully sana walang thriller and horror," paliwanag niya.

"Nandu'n pa 'yung rom com sa mga sinuswerte. So yeah, it's just like in real life, it's still being truthful. So even the drama parts about comedy are realized, kailangan mong damdamin," dagdag ng aktres.

Ayon kay Mikee, patuloy siya sa pag-practice ng pagsasabay ng comedy at drama, lalo't kasama niya ang mga komedyante ring sina Sef Cadayona, na gumaganap bilang si Pepito Manaloto, at Mikoy Morales.

"Isa 'yon sa mga kinailangan kong i-practice, i-hone kasi 'yung mga kaharap ko sa eksena, sina Sef, sina Kokoy, paano ka iiyak diba? pero challenge accepted 'yon. Nag-enjoy naman akong trabahuhin 'yun and they've been really supportive."

Para sa kaniya, magaan ang comedy at hindi mami-miss ni Mikee ang kanilang mga tawanan sa set habang nagtatrabaho.

"Comedy now is for me, parang hindi naman nagbago 'yung tingin ko. It's not something new, but it's something exciting, and dito ko na-feel 'yung home," anang Kapuso actress.

--FRJ, GMA News