Tatlong taon na ang nakararaan nang maulila sa kanilang ina sina Rayver, Rodjun, at Omar Cruz.

Pumanaw ang kanilang inang si Beth dahil sa sakit na pancreatic cancer.

Sa Instagram, nag-post si Rodjun ng larawan habang kasama nilang magkakapatid ang kanilang ina.

“[Third] year in heaven! Not a day goes by that we don’t think of you! Miss na miss ka namin everyday! Sobrang mahal na mahal ka namin, our beautiful Mama!” saad ng aktor.

“You’re the best mom in the whole world! Celebrating your eternal life and happiness with our Lord Jesus Christ,” dagdag pa niya.

 

 

Pinuno naman ni Rayver ng heart emoji at ibinahagi rin sa kaniyang Instagram stories ang post ng kapatid.

– FRJ, GMA News