Bago nito, Inilahad ni Tom Rodriguez na stranded siya sa Cebu matapos ang panghahagupit ng Bagyong Odette sa probinsiya.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Tom noong Disyembre 17 ang ilang larawan ng mga nasirang istraktura at establisyimento sa Cebu matapos ang pananalasa ng naturang bagyo.
Humingi naman ng panalangin at tulong si Tom para sa mga apektadong kababayan na Cebuano.
"I’m sorry I haven’t been able to reply to everyone, phones are still down and wifi spotty. But I am physically fine. Please help me pray for our brothers and sisters who didn’t fare so well. Marami sa kanila nawalan ng bahay at walang pagkain at tubig," caption ni Tom.
"I am in awe with the Cebuano spirit na nagkaisa lahat kagabi sa Hotel to make sure the doors don’t give in para magflood sa loob at magcause ng panic. Grateful din na maraming mga kababayan natin dito ang tumutugon sa pangangailangan ng mga kapatid nating nasalanta. Praying for a speedy recovery for Cebu, our fellow Cebuanos at sa lahat ng mga nasalanta ni Odette sa buong pilipinas. ????????????????????" dagdag ng Kapuso actor.
Bago nito, ibinahagi rin ni Tom ang naranasan niyang pananalasa ng bagyong Odette sa Cebu, kung saan nananatili siya sa isang hotel nang bigla silang paakyatin para matiyak ang kaligtasan ng guests dahil malakas ang hangin at pag-ulan sa lugar.
—LBG, GMA News