Inihayag ni Epy Quizon na may nag-alok sa kaniya na magbabayad ng P30 milyon kapalit ng paggamit sa pangangampanya sa kaniyang advocacy song na "Lukso ng Dugo."
"I was offered P30 million. I will not name who, but I was offered P30 million," sabi ni Epy Quizon sa Kapuso Showbiz News.
Pag-amin ni Epy, sandali siyang nasilaw sa alok dahil wala siyang pera nang panahong iyon.
"And I could have paid everyone, the artists and all that. [But] no, I refused. Wala akong pera noon sa bangko... wala akong trabaho noong time na 'yun, in-offer-an ako ng P30 million. Sabi ko 'Tapos lahat ng problema natin nito ah. Napaisip ako, medyo nabulag ako ng mga two minutes," pagpapatuloy ni Epy.
Ang kantang "Lukso ng Dugo" ay bahagi ng kaniyang Magkaisa PH na adbokasiya para sa kapayapaan.
Kung aalukan man siya sa mas mataas na halaga, hindi pa rin daw ito tatanggapin ni Epy.
"I refused the P30 milllion. There's no amount anymore that can... Sinabi ko, ang sagot ko, 'I can make you another one, but not this song. This song is not owned by me anymore. This song is owned by all the artists who are part of it. All these people who are with me right now, own it already,'" paliwanag niya.
"Kumbaga I'm just a representative for everyone who is part of the movement now," sabi ni Epy.
Sinabi rin ni Epy na may mga naghihikayat sa kaniya na pasukin ang pulitika pero tinanggihan niya, tulad ng ginawa ng kaniyang amang si Dolphy, na ilang beses ding niligawan na kumandidato.
"Ang daling maging hari, sabi nga ng tatay (Dolphy) ko. He used to be a king. But I was born and bred to be a jester. So why will I run for the kingship?" ani Epy.
"Palagi niyang sinasabi nga na, 'Ang daling manalo, pero paano kung manalo ako, anong gagawin ko diyan?' Same here. I'm a storyteller, I'm not a politician," sabi pa ng aktor--FRJ, GMA News