Kilala sa kaniyang walang kahirap-hirap na pagbirit, itinuturing na haligi ng OPM o Original Pilipino Music si Lani Misalucha. Paano nga ba siya nabansagan bilang "Asia's Nightingale" at "New Siren of the Strip"?

Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ni Lani ang pagsisimula ng kaniyang singing career bilang bahagi ng grupong Bodjie's Law of Gravity noong 90s na may genre na pop at jazz.

Mula rito, nabansagan si Lani bilang "Multiplex Queen" na uso pa noon ang mga cassette tape. Ang kaniyang manager noon na si Ronnie Henares, sa pamamagitan ng asawa nitong si Ida, ang nagbansag naman sa kaniya bilang "Asia's Nightingale."

Taong 2000 nang nanirahan si Lani sa Amerika, at patuloy na umusbong ang kaniyang career bilang "New Siren of the Strip" sa Las Vegas.

Ginawa ni Lani at kaniyang asawa ang lumipat ng paninirahan sa ibang bansa kahit mainit pa ang kaniyang career sa Pilipinas.

Pero sa Canada raw talaga nila planong mag-migrate pero sa Amerika sila napunta at nagtanghal siya sa Las Vegas.

"Iniisip ko na lang na I guess, God still doesn't want me to stop singing muna kasi ito 'yung binigay sa akin na talento, 'yung binigay sa akin na gift. I might as well use it," saad ng beteranang singer.

Tunghayan ang buong panayam kay Lani sa "Tunay Na Buhay" sa video sa itaas.--FRJ, GMA News