Matapos matutong magluto, aminado si Winwyn Marquez na napaparami ngayon ang kaniyang pagkain. Pero papaano niya napapanatiling maganda ang pangangatawan?
"Hanggang ngayon napapakain ako nang marami, since marunong na nga akong magluto and everything else. So I just try to double time lang talaga pagwo-workout since tapos na rin ang training ko sa basic citizen's military course. So I have to watch what I'm eating also right now," sabi ni Winwyn sa Mornings with GMA Regional TV.
Ibinahagi rin ni Winwyn ang kaniyang sikreto sa kaniyang sexy na Instagram posts.
"Ang tawag diyan, anggulo! char! Magic of anggulo, kailangan marunong kang umanggulo," biro ni Winwyn.
"Siguro I just want to keep myself active as much as I can. I run or walk kung tinatamad, cross-fit, which is working out, simple workouts won't hurt, 'di ba? Ganoon lang, tapos angguluhan niyo na lang nang maayos 'yung posts tapos okay na 'yon!" dagdag ng Kapuso actress.
Napapanood ngayon si Winwyn bilang ang kontrabidang si Trixie Gibbs, ang hindi maka-move on na ex ng karakter ni Benjamin Alves na si Doc Migs Alcancia.
"What's fun about my character, it's not the kontrabida that you see on drama, this is a rom-com, so 'yung iba siguro, maiirita, magugustuhan dahil quirky siya. It's new to me because it's comedy," sabi ni Winwyn.
"I am just very lucky na 'yung mga kasama kong komedyante na talagang ang gagaling, tinutulungan din ako kung paano umarte and kung paano tumiming (timing) sa mga throw lines namin," saad pa ng Kapuso actress.
Napapanood ang "Owe My Love" sa GMA Telebabad.--FRJ, GMA News