Inihayag ni Heart Evangelista na nag-audition siya sa role ni Araminta Lee para sa "Crazy Rich Asians" ni Kevin Kwan.
Sa isang vlog na pinost ng dermatologist na si Dr. Aivee Teo kamakailan, nag-react sila pareho ni Heart sa kanilang mga lumang larawan.
Nang ipakita ang isang larawan ni Heart kasama ang English actress na si Gemma Chan na gumanap bilang si Astrid Leong-Teo sa pelikula, muling binalikan ng aktres ang kaniyang pag-audition.
"I auditioned (for Araminta) and it was like they were in the last leg of their auditions and I got a call. I remember I got a crew and I did a scene like from a telenovela," ayon kay Heart.
Sinabi ni Heart na matapos ang kaniyang audition, binalitaan siya na ikinokonsidera siya para sa isang role sa pelikula.
"Sabi [no'ng agent from Los Angeles], ‘Your presentation paused in the middle of the showing’ and they got curious about me, like ‘Who’s this girl?’” ani Heart.
“So they’re willing to take a break if [I] could send an e-mail of the [audition] so they could continue watching,” dagdag niya.
Pero hindi na nakatanggap si Heart ng callback.
"Then they asked if I was available to shoot so yes, of course, then they never came back," kuwento ni Heart.
Gayunman, nagpasalamat si Heart nang malamang isa pa rin siya sa mga pinagpipilian para gampanan ang isang karakter sa Crazy Rich Asians.
“There’s always a reason for everything. Again, ayaw [ko] nang mangarap nang todo. Okay na kung ano mang ibigay,” saad ni Heart.
Dagdag pa niya, hindi niya ito inihayag noon dahil naging "painful" ang kaniyang karanasan at ayaw niyang maging "arrogant."
Sa pelikula, ang karakter ni Araminta, na ginagampanan ni Sonoya Mizuno, ang most celebrated fashion icon ng Singapore at tagapagmana ng isang luxury hotel chain.--FRJ, GMA News