Pinusuan ng maraming netizens ang cute na reaksyon ni Baby Thylane sa tuwing kinakausap siya sa iba't ibang lenggwahe ng kaniyang mga magulang na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras," sinabing naaliw ang netizens sa post ni Nico kay Thylane, na umabo ng halos isang milyong views.

"Science: "Talking many languages simultaneously to your baby will expand her vocabulary," caption ni Nico.

Apat ang lenggwahe nina Solenn at Nico na English, Filipino, French at Espanyol.

Kaya naman matapos ang isang taon, natututo na rin si Baby Thylane at sinisimulan na niya ito sa pamamagitan ng pagre-react ng "Wow!"

 

Binabanggit ito ng sanggol mapa-interesting, lakwatsa, busog, gusto pa ng playtime, o kapag sinasabing quiet lang.

Biro ni Nico, #Binary at #MorseCode ang video ng kaniyang anak.

At kahit hindi man maintindihan pa ang sinasabi ni Thylane, malaking tulong naman ang kaniyang video sa mga nalulungkot. —LBG, GMA News