Maliban sa pampa-sexy, ipinaliwanag ni Sheryl Cruz na paggamot din sa kaniyang scoliosis ang isa pang benepisyo ng paghu-hula hoop dancing.
"Actually I started almost four years ago. Tapos eventually nalaman ko na it could be good also for my back kasi I also have scoliosis kaya it helped me strengthen my back," kuwento ni Sheryl sa Mars Pa More.
"'Yung posture ko mas maayos siya, kasi when you walk you tend to slouch most of the time lalo na if you're heavy," dagdag pa niya.
Hindi raw gaanong kapopular ang hula hooping sa Pilipinas kumpara sa Europe at US kung saan pati ang mga kalalakihan ay naghu-hula hooping din.
"Actually may dalawang benefits siya. It actually helps you lose weight. The second thing that is nice about it is that it is a whole body workout once you get used to it kasi nga your whole body works," sabi ni Sheryl.
Tinuloy-tuloy ni Sheryl ang paghu-hula hoop apat na taon ang nakararaan mula nang sumabak sila ng mga kaibigan niyang sina Manilyn Reynes at Tina Paner sa isang hula hoop challenge.
"Because it's been a long time for me to actually put on a hoop. So ang akala ko, because you know how to dance madali para sa'yo i-manipulate 'yung hoop, pero hindi, ako 'yung laging bumabagsak 'yung hoop." —LBG, GMA News