Inihayag ni Ruru Madrid na self-confessed fan din siya ng K-pop boy band na BTS at isang certified ARMY. Kaya naman fulfilled daw siya na i-cover niya ang "Sweet Night" na kanta ng kaniyang ultimate idol na si V.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras," sinabing umani si Ruru ng papuri at likes online sa recording niya ng "Sweet Night."

 

Isa sa mga original track ng hit Korean drama series na "Itaewon Class" ang "Sweet Night."

"Ang galing nilang mag-perform, ang galing nila lahat kumanta, sumayaw. Doon pa lang naging fan na ako," sabi ni Ruru.

Naging usap-usapan din kamakailan ang isang selfie photo ni Ruru dahil kung saan tila kahawig niya si V. Ni-repost naman ito ng isang fan page ng BTS.

Makikita ang hot at malakas na dating ni Ruru kahit pa nakasuot siya ng mask.

"Nakakagulat talaga, hindi ko in-expect. Du'n sa mga fans ng BTS na ARMYs, grabe rin 'yung pag-tweet nila sa akin, 'yung mga message nila sa akin and siyempre 'yung mga Filipino ARMYs din. Very thankful ako sa kanilang lahat," sabi ni Ruru.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mysterious...

A post shared by Jose' Ezekiel Madrid (@rurumadrid8) on

 

Samantala, abala rin sa kaniyang recording si Jeric Gonzales na batchmate ni Ruru sa Protégé.

Sinusulit daw ni Jeric ang pagkakataon na makapagsulat at mag-compose ng kanta sa  panahon ng quarantine.

"Medyo mahirap talagang mag-adjust eh kasi 'yung routine namin sa work, sa taping, nasanay na kami. So ngayon, mag-iisip ka talaga ng gagawin mo. Nag-divert ako ng gagawin through my music," ayon kay Jeric.

Parehong tampok sina Jeric at Ruru sa magaganap na online reunion ng Protege nitong Biyernes kasama rin sina Thea Tolentino at Mikoy Morales.

Magiging host nila si Carla Abellana na season host nila sa Protege.

"Para bumalik 'yung bonding. Tagal din kasi naming hindi nagkita-kita eh. Marami silang malalaman, mababalikan doon sa mga moments ng Protege like 'yung pinagdaanan namin doon," saad ni Jeric. —LBG, GMA News