Hindi naiwasan ni Vicki Belo na maging emosyonal nang magkomento tungkol sa mga pumupuna na hindi umano pantay ang kaniyang mga dibdib sa kaniyang content online.
Sa Instagram, ipinakita ng celebrity doctor ang ilang screenshot sa kadalasang komento tungkol sa kaniyang mga dibdib at nagpaliwanag siya tungkol dito.
"Baka you think my breasts were done in Belo, and it's uneven, that's so not true," sabi ni Vicky.
Pagbahagi nito, nagkaroon siya ng breast cancer noong 2016, at may sukat umano na five by seven centimeters ang bukol sa kaniyang kaliwang dibdib.
Sa isang ospital sa New York, USA umano isinagawa ang pag-opera sa kaniyang dibdib para alisin ang tumor o bukol.
"They put something in, I don't even know what it is. I asked my doctor, he told me tissue, but it's not silicone. It's something much harder," sabi pa niya.
"I also had stage three breast cancer, so they removed three lymph nodes, so that's why my armpit is a bit deep on this side. I wanted to clear it up because I don't want you to think that's what happens to boobs in Belo," patuloy ni Vicky.
Sa isang bahagi ng video, nakiusap si Vicki sa netizens na maging "kind" sa kanilang komento.
"Please be kind na lang. I'm a cancer survivor," saad niya. "I was a bit depressed in the beginning, but I didn't let it affect my life. I love clothes. I love sleeveless clothes, so I still wear them."
Dito na hindi naiwasan ni Vicki na maging emosyonal, bago tuluyang nagpaalam sa video at sinabing, "I hope you understand."
Noong 2023, ibinahagi ng 69-anyos na si Vicki sa isang video ang kaniyang pagiging cancer-free sa nakalipas na pitong taon.
"I was never comfortable talking about my cancer, but I'm feeling extremely grateful — here's to 7 years being cancer-free," pahayag niya. —mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News