Matapos ipahayag ni Lauren Young ang kaniyang opinyon tungkol sa isang social media influencer na nabatikos dahil sa sablay na komento tungkol sa mass testing, nakatanggap naman ng panlalait sa kaniyang katawan ang aktres.
Kaagad naman sinagot ni Lauren ang naturang panlalait.
"Oo mataba ako! Ano ngayon???," sagot ng aktres sa Twitter
"Did I make statements that could possibly influence my followers to think the wrong way because I had incorrect information while oozing with confidence? NO. Tse. Kainin ko kayo eh. " dagdag niya.
Oo mataba ako! Ano ngayon???
— Lauren Young (@loyoung) June 6, 2020
Did I make statements that could possibly influence my followers to think the wrong way because I had incorrect information while oozing with confidence? NO. Tse. Kainin ko kayo eh.
Body shaming is so 2019. Read a fucking book and grow up people.
Patuloy pa ni Lauren: "Body shaming is so 2019. Read a fucking book and grow up people."
Umani naman ng positibong komento sa netizens ang naturang katapatan sa pagsagot ni Lauren sa kaniyang katawan.
Matatandaan na naging bukas si Lauren na pag-usapan sa social media ang pagbigat ng kaniyang timbang.--FRJ, GMA News