Mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine, kasama na ni Glaiza de Castro at kaniyang pamilya sa Baler, Aurora ang Irish boyfriend niyang si David Rainey. At dahil mas matagal na nakakasama ngayon ng mga magulang ni Glaiza si David, aprubado kaya sa kanila ang binata? Alamin.

"Honestly noong una niyang punta rito, 'yung parents ko medyo hesitant kasi taga-ibang bansa. Tapos ang dami nilang concerns talaga," kuwento ni Glaiza sa Kapuso Showbiz News.

"Pero very persistent naman si David, especially ngayong time na ito na araw-araw kaming magkakasama, makikita mo talaga kung gaano siya ka-consistent din na tao at kung gaano siya kasipag. 'Yun ang napapansin ng parents ko sa kaniya, masipag talaga siyang tao," pagpapatuloy ng Kapuso actress.

Mailalarawan ni Glaiza ang kaniyang nobyo bilang isang "problem solver" at optimistic na tao. Kung tutuusin daw, dapat si David pa ang mas mabahala dahil malayo ito sa mga magulang, pero ito pa ang nagko-comfort sa kaniya.

"It makes me proud na kapag naririnig ko from my parents or doon sa neighbor namin na magaling siyang makisama, nakaka-proud din para sa akin na kahit hindi siya taga-dito or iba 'yung kultura niya, napaparamdam niya sa parents ko, most specially, 'yung concern niya, hindi lang sa akin kundi sa mga tao din sa paligid ko," saad ni Glaiza.

Ito na raw ang pinakamahabang panahon na magkasama sila, dulot na rin ng enhanced community quarantine.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Glaiza ng kaniyang bonding kasama si David.

Kinumbinsi umano ng aktres ang nobyo na kumanta matapos nilang gawin ang awitin na alay nila sa mga frontliner na pinamagatan nilang "Ode To The New Heroes." Panoorin.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

During the first few weeks of the quarantine, @david_rainey89 and I tried to make a song with our frontliners in mind. But it took a little while to convince him to sing with me on this video as he’s still a bit shy???? Anyway, this is the least that we can do while we’re here. We all have different ways to cope, help and support and we hope we are able to share positivity amidst uncertainty through this. Thank you to @rona_pie for the song title suggestion ???? You are the ones that bring light to our eyes You are the ones that we recognize When all of this is over, and we finally won the fight We will all stand up together and see what it’s like Chorus: You’ve done enough, we won’t be shaken cause you’ve made us feel better You’ve opened all the doors It’s time to go, the world is waiting There is no danger that you can’t face You’ve risked something that can’t be replaced Whoever you’ve left that was broken Will be all following your trace Cause you’ve brought us all together whatever it takes

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

 

--FRJ, GMA News