Hindi nakaligtas ang mga celebrity sa mga pampa-good vibes na memes na ginawa ng netizens ngayong 2020. Pinakamabenta at nag-trending online si Dingdong Dantes, na aaliw din sa mga meme.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, ipinakita kung papaano ikinabit ang pangalan ni Dingdong sa iba't ibang bagay o mga karakter.
Kabilang na riyan si "Dingdong God bless!" at "Ninong Dantes."
Nakita rin ang paghataw ni Dingdong bilang si "Dingdong dance steps," at "Dingdong mic test."
Naglaro naman sina "Pingpong Dantes" at "Dingdong nag-chess."
Nasama rin si Dingdong sa pelikulang "Inside Out" bilang sina "Dingdong sadness" at "Bingbong Dantes." Umi-eagle dance rin si Dingdong bilang si "Dingdong Dante."
Nabuhay rin ang classic joke na "Ding dong, ding dong." Sumama rin si Dongdong sa kasiyahan sa Angono bilang si "Dingdong higantes."
Nariyan din sina "Dingdong donkeys," "Dingdong gwantes," at si "Kangkong dantes." May pang-araw din siyang "Dingdong martes."
Pinili naman ni Dingdong na winner sa mga meme ang "Dingdong done test."
Pero maging ang misis niyang si Marian Rivera, hindi rin nakalusot sa kakulitan ng netizens.
Nag-transform si Marian bilang si "Marian hilera" at "Bavarian Rivera."
May memes din pati mga Kapuso stars, tulad nina "Alden recharge," "River Cruz" at "Dennis turnilyo," at pati Tita Mel Tiangco, naging si "Tita Mel tiyan-ko."-- Jamil Santos/FRJ, GMA News