Dahil sigurado na sa isa't isa, inihayag nina Mark Herras at Nicole Donesa na pinag-uusapan na nilang lumagay sa tahimik.
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi nina Mark at Nicole na sobrang masaya ang kanilang relasyon.
"Wala kaming any problem na iniisip or hinaharap ngayon. Siguro, work, then 'pag wala kaming mga trabaho, siyempre spend time with each other," sabi ni Mark.
Napag-uusapan na rin daw nila ang kasal pero ayaw na munang magbigay ng detalye ni Mark.
"Ako soon, kasi I'm 32 na, tito lhar, di ba? I'm turning 33, di ba? So ako soon," saad ng aktor.
Sabi naman ni Nicole, kung future ang pag-uusapan, siguro na siya na gusto niyang makasama sa buhay si Mark.
Samantala, first time na magtatambal ang dalawa sa episode ng "Magpakailanman" na mapapanood sa Sabado.
Kuwento ng pag-iibigan ng isang mahirap na Pinoy at mayamang Chinese ang gagampanan nina Mark at Nicole sa episode na "Langit Ka, Lupa Ako."
"We fell in love with each other kahit sobrang bawal kasi ako, may arranged marriage na ko with another guy," saad ni Nicole sa kaniyang karakter na Chinese.
Ayon sa dalawa, hindi na sila nahirapan sa ilang eksena lalo na kung may lambingan at nakatulong ang pagiging real life couple nila. --FRJ, GMA News