Tuwang-tuwang ipinakita ng internet sensation na si Mimiyuuuh sa kaniyang Instagram account ang isang Hermes bag na ipinahiram sa kaniya ng Kapuso star na si Heart Evangelista.

Sa iba pang larawa ni Mimiyuuuh, nag-twinning in stylish robe pa sila ng Kapuso star.

Sa video na ipinost naman ni Mimiyuuuh sa kaniyang Youtube account, napag-alaman na nagtungo ang internet sensation sa bahay ni Heart kung saan kuha ang mga larawan na kaniyang ipinost.

Malalaman din sa naturang video ang tungkol sa kanilang "collab' ni Heart.

Nakilala si Mimiyuuuh ng netizens dahil sa kaniyang mga video post tulad ng "Gandang Filipina" challenge. — FRJ/BM, GMA News