Inamin ng aktor na si Nash Aguas, 20, na opisyal na ang relasyon nila ng Kapuso actress na si Mika dela Cruz, 19.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nash sa press conference ng horror movie na Class of 2018 kahapon, October 26, sinabi nitong wala pang isang linggo ang relasyon nila.

“Noong October 20,” nakangiting pagbanggit ni Nash kung kailan siya sinagot ni Mika.

Halos isang taon daw niyang niligawan ang dalaga.

Ano ang mga nakita niyang katangian ni Mika at talagang tiniyaga niyang ligawan ito ng isang taon?

“Siguro siya talaga,” sambit ni Nash.

Hindi kaya maging sagabal sa kanilang relasyon ang pagkakaiba ng TV network na pinagtatrabahuan nila?

“Wala, yun nga ang nakakatuwa, wala.

“’Tapos, nagagawan at nagagawan ng paraan,” nakangiti niyang tugon.

Natawa naman si Nash nang sabihin naming mapapadalas na ang pagdalaw niya sa Malabon, kung saan nakatira si Mika. —PEP

For the full story, visit PEP.