Handa na raw ang dating child actress na si Jillian Ward magkaroon ng kapareha tulad ng mga Kapuso tween love-team partners na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Aniya, "Ready naman po na, since part naman po siya ng work.

"Hangga't hindi naman po boyfriend-girlfriend, okey lang po kasi work lang naman."

Sino ang gusto niyang maging ka-love team sa Kapuso tweens?

Sagot ng 13-year-old actress, "Kahit sino po basta marunong umarte at sa tingin pa lang may chemistry na kami.

"Gusto ko din po kasi sa love team, hindi stick-to-one.

"Para po maraming nae-explore na roles, at mas marami akong matututunan sa mga makakasama ko pagdating sa trabaho."

Mas gusto raw ni Jillian makatrabaho ang mas matanda sa kanya kumpara sa mga kaedaran niyang Kapuso young stars.

Aniya, "Mostly kasi, ang gusto ko makatrabaho, yung mga veterans

"Pero gusto ko ring makatrabaho si Kuya Alden [Richards].

"Matagal na kasi kaming magkakilala ni Kuya Alden, pero nagkakasama kami yung guesting-guesting, hindi talaga sa teleserye.

"Gusto ko siya makasama sa teleserye."

Dagdag ni Jillian, "'Tsaka siyempre, Kuya Alden Richards is Kuya Alden Richards."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian sa kaarawan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) member na si Rommel Placente sa Manang Colasa, Timog, Quezon City, noong May 27. -- For the full story, visit PEP.ph