Nasa apat na tao ang nasawi at hindi pa mabiling ang nasaktan matapos mawalan ng preno ang isang truck na nang-araro ng mga sasakyan sa northbound ng Katipunan Avenue flyover sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi.
Sa paunang ulat ni Glen Juego sa Super Radyo dzBB, sinabi nito na hindi bababa sa 10 sasakyan ang nasangkot sa karambola na kinabibilangan ng mga motorsiklo.
????????????????????????????????????????: Tatlo ang kumpirmadong patay sa karambola ng hindi bababa sa 10 sasakyan sa Katipunan Avenue Flyover, Quezon City, ayon kay Dexter Cardenas, Head ng Traffic & Transport Management Department ng Quezon City. | via @glenjuego pic.twitter.com/F6uPDs8tfx
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 5, 2024
Kabilang umano sa mga sasakyan na nasa harapan at naipit sa truck ang isang closed van at isang sedan, at mga motorsiklo at iba pang sasakyan.
Sa hilaway na ulat ni Olan Bola, sinabi nito na apat na ang kumpirmadong nasawi, batay sa impormasyon mula sa Quezon City Police District-Traffic Sector 3.
FOLLOW-UP: Apat na tao, kumpirmadong patay sa karambola ng hindi bababa sa 10 sasakyan sa Katipunan Avenue, Quezon City, ayon sa Quezon City Police District-Traffic Sector 3 | via @olanbola
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 5, 2024
Sinasabing nawalan umano ng preno ang truck na dahilan ng karambola.
Sa hiwalay na ulat ng GM News Saksi, sinabing 25 katao ang nasaktan sa aksidente.
Inihayag ng Quezon City Traffic Sector 3 na kabilang sa mga sasakyan na nasangkot sa karambola ay 16 na motorsiklo, limang four-wheeled vehicles, isang bus, at isang truck.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.-- FRJ, GMA Integrated News