Asahan ang malakihang dagdag sa presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo na bubura sa oil price rollback ngayong linggo.

“We will be expecting an increase in the domestic pump prices of petroleum products by Tuesday next week due to the developments in the international oil market,” sabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero nitong Biyernes, batay sa resulta ng oil trading sa world market sa nakalipas na apat na araw.

Ang dagdag-presyo ay nasa:

    Gasoline  -  P0.60 to P0.85
    Diesel  -  P1.45 to P1.70
    Kerosene  -  P1.85 to P1.90

Maaari pa itong magbago ng bahagya depende sa kalalabasan ng oil trading ngayong Biyernes, na huling araw ng kalakalan para sa buong linggo.

“Among the relevant news that contributed to the trajectory increase of oil prices are the upbeat global demand forecasts from EIA (Energy Information Administration) and OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries) coupled with data showing a sharper than expected drop in US crude inventories; uncertainties over the timing of the US Fed Reserves on the interest rate cut and the reduced Saudi exports to China and potential US reserve purchases,” paliwanag ni  Romero.

Nitong nakaraang Martes, June 11, nagkaroon ng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo na P0.60 per liter sa gasolina, P1.20 per liter sa diesel, at P1.30 per liter sa kerosene.

Inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang halaga ng oil price adjustment tuwing Lunes, at ipinatutupad naman tuwing Martes.-- FRJ, GMA Integrated News