Tinamaan ng isang mananaya ang higit P114 milyong jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw nitong Biyernes, Disyembre 23, 2022. Pero nananatiling mailap ang Ultra Lotto 6/58 na higit na mas malaki ang premyo.

Sa resulta ng nasabing draw na makikita sa website ng Philippine Charity Sweetstakes Office (PCSO), nakasaad na mayroong isang nanalo sa Megalotto 6/45 draw.

Ang lumabas na mga numero ay 11-21-01-12-17-03, na may kabuuang premyo na P114,327,454.00.

Samantala, P470,813,166.00 na ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, pero wala pa ring tumama sa ginanap na draw nitong Biyernes.

Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 40-51-35-31-27-50.—FRJ/KG, GMA Integrated News