Dalawa ang patay, at 12 naman ang naitalang sugatan dahil sa magnitude 6.4 na lindol sa California, USA.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles,  sinabing batay sa US Geological Survey (USGS), gabi tumama ang lindol (oras sa California).

Dagdag ng ulat, nagdulot ding ng rockslides ang lindol.

Aabot naman sa 70,000 na mga residente doon ang nawalan ng kuryente. Nakapagtala din ang USGS ng sunod-sunod na aftershocks.

Samantala, wala pang impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs kung may Pilipinog nadamay sa California quake. —LBG, GMA Integrated News