Ramdam umano ang Paskong Pinoy sa Vatican City nang pangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang isang Misa ng Simbang Gabi sa St. Peter's Basilica. 

Iniulat sa Unang Balita nitong Miyerkoles na nagtipon-tipon sa basilica ang libu-libong mga Pilipino mula sa Vatican, at sa Rome.

Matapos ang Misa, may pag-aalay ng bulaklak sa imahe ng Birheng Maria, at nagbatian ng "merry Christmas" ang mga Pinoy pagkatapos magsimba. —LBG, GMA Integrated News