Pinatawan ng sanction ng Department of Treasury’s Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng Estados Unidos ang founder at pastor ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy dahil sa mga pang-aabuso umano sa karapatang pantao, kasabay ng pagdiriwang ng International Anti-Corruption Day and Human Rights Day.
Sa isang pahayag, sinabi ng US Department of Treasury na kabilang si Quiboloy sa higit 40 katao at mga organisasyon na sangkot umano sa korupsyon or pang-aabuso sa karapatang pantao sa siyam na bansa.
"For more than a decade, Apollo Carreon Quiboloy (Quiboloy) engaged in serious human rights abuse, including a pattern of systemic and pervasive rape of girls as young as 11 years old, as well as other physical abuse," saad ng OFAC.
Binanggit ng OFAC ang isang federal indictment noong 2021 na sangkot umano si Quiboloy sex trafficking ng mga “pastoral,” o mga batang babae sa KOJC na napiling magtrabaho bilang personal na alalay ni Quiboloy.
Ayon sa indictment, inutusan ang mga pastoral na mag-“night duty,” at inatasang makipagtalik umano kay Quiboloy ayon sa itinakdang oras. May mga itinatago rin umano si Quiboloy na mga pastoral sa iba pang bansa, kasama ang Pilipinas at Estados Unidos.
"Quiboloy exploited his role within the KOJC to rape his victims and subject them to other physical abuse, describing these acts as sacrifices required by the Bible and by God for the victims’ salvation. The pastorals, who were mostly minors when initially abused by Quiboloy, were told by him to 'offer your body as a living sacrifice,'" saad ng OFAC.
Binanggit ng OFAC ang isang report ng isang babae na pinuwersa umanong makipagtalik kay Quiboloy, ng isang beses sa isang linggo kahit noong menor de edad pa siya at sa kada bansa na kanilang pinupuntahan. Hindi niya na raw mabilang kung ilang beses nangyari ang insidente.
Sinabi rin ng OFAC na isinailalim ni Quiboloy ang mga pastoral at iba pang KOJC members sa iba pang anyo ng pisikal na pang-aabuso, kasama ang panghahataw umano sa mga biktima at pagpapadala sa kanila sa “Upper Six,” isang saradong compound na ginagamit umano sa pagpaparusa.
"Quiboloy is designated pursuant to E.O. 13818 for being a foreign person who is responsible for or complicit in, or has directly or indirectly engaged in, serious human rights abuse. As noted above, Quiboloy was indicted in November 2021. Quiboloy is currently on the FBI’s Wanted List," anang OFAC.
Ipinatutupad ng US Treasury ang Global Magnitsky Human Rights Accountability Act, na nagpapahintulot sa US officials na mag-sanction ng mga taong sangkot sa korapsyon o paglabag sa mga karapatang pantao.
Sa ilalim ng sanction, lahat ng ari-arian at interes sa ari-arian ng mga pinatawang tao na nasa Estados Unidos, o nasa pangangalaga o kontrol ng mga tao sa Estados Unidos, ay blocked at iuulat sa OFAC.
Kasama rin dito ang mga entidad na direkta o hindi direktang pagmamay-ari, na 50% o higit pa, ng isa o higit pang blocked na mga pinatawan ng parusa, maliban na lamang kung may pahintulot mula sa isang heneral or isang espesipikong lisensya na inisyu ng OFAC.
Isinasaad din sa mga regulasyon ng OFAC na pinagbabawalan ang mga tao sa Estados Unidos sa loob o papunta ng bansa na may kaugnayan sa mga ari-arian o interes sa ari-arian ng mga pinatawang tao na makipagtransaksiyon, maliban kung pinahintulan ng isang heneral o espesipikong lisensya na inisyu ng OFAC.
Kasama sa pagbabawal ang pangongolekta o pagbibigay ng mga kontribusyon ng pondo, goods, at mga serbisyo sa pamamamagitan o sa benepisyo ng mga pinatawang indibidwal, o pagtanggap ng kahit anong kontribusyon ng mga pondo, goods, or serbisyo mula sa mga nabanggit na tao. — VBL, GMA Integrated News