Para kay WBC world featherweight champion Mark Magsayo, walang makapapantay sa nagawa ni Manny Pacquiao bilang boxing legend. Inihayag ito ni Magsayo sa harap ng ginagawang pagkumpara sa kanilang dalawa.
Mayroong marka si Magsayo na 24-0 with 16 knockouts bilang professional boxer. Nakatakda niyang idepensa ang kaniyang titulo laban kay dating WBC world super bantamweight champion Rey Vargas.
Gaganapin ang kanilang sagupaan sa Linggo sa July 10 sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
"For me, I don't think about that, like the next superstar. No one can match Manny Pacquiao there (in the Philippines) in this era," sabi ni Magsayo sa DAZN.
"I just train hard, focus every fight, win every fight, and give honor to the Philippines. Just maintain my status like this, and stay humble. I am a humble guy. No one can compare (to) Manny Pacquiao."
Umaasa ang 27-anyos na si Magsayo na makakakuha ng unification fight kay WBA world featherweight champion Leo Santa Cruz. Pero inutusan siya ng WBC na itaya muna ang kaniyang titulo laban sa mandatory challenger na si Vargas.
Ayon kay Magsayo, handa niyang harapin ang pinakamagagaling na boksinero sa kaniyang division.
"He (Vargas) is a mandatory challenger of me, so I need to face him. I need to face a good fighter," sabi ni Magsayo.
"I'm a natural fighter. I'm not a cherry-pick fighter. I need to get a strong fighter. My goal is to face a great fight. If you're a world champion, you need to face a top fighter," deklara niya. —FRJ, GMA News