Pansamantalang isinara ang isang bahagi ng Recto Avenue sa mga motorista dahil sa sunog sa Sta. Cruz, Manila.
Ayon sa Unang Balita nitong Biyernes ng umaga, nagmula umano ang sunog sa isang bahay malapit sa estero at nadamay ang isang apartment building.
Pansamantalang sarado sa mga motorista ang isang bahagi ng Recto Avenue hanggang sa Jose Abad Santos Avenue dahil sa sunog.
Ilang mga bahay ang apektado ng sunog na umabot na sa ikatlong alarma.
Sugatan ang isang bumbero, at inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang sanhi ng apoy. —LBG, GMA News