Itinigil na ang Libreng Sakay Program para sa mga essential worker at Authorized Persons Outside Residence (APOR) sa mga EDSA Carousel bus simula nitong Miyerkules.
Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakonsumo na ang kabuuang pondong nakalaan sa nasabing programa sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act, at base na rin sa ginawang monitoring report ng ahensiya, ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes.
Unang inilunsad ang programa Nobyembre noong nakaraang taon, at ipinagpatuloy noong Setyembre 2021.
Gayunman, magbibigay pa rin ng payout at incentives ang LTFRB sa mga operator at driver na sumali sa programa. —LBG, GMA News