Ikinagalak ni Catholic Bishops' Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care Vice-Chairman Bishop Oscar Jaime Florencio ang pagkamit ng pamahalaan ng $600-million (P30.29B) health care loan sa Asian Development Bank (ADB).
Ayon kay Bishop Florencio na siya ring Military Ordinariate of the Philippines, ang hakbang ay tugon ng pamahalaan na pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.
"This is a good and wise move on the part of the government which means they are also thinking for the health care of the people," ayon sa mensahe ng Obispo sa Radio Veritas.
Nabatid na gagamitin ng pamahalaan ang loan sa pagpapabuti ng health care system sa bawat Pilipino.
Gayunman, nagpahayag naman si Bishop Florencio ng agam-agam na mauwi sa corruption ang napakalaking pondo.
Tinukoy ng Obispo ang kontrobersyang kinasangkutan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong nakalipas na taon kung saan inakusahan ang ilang opisyal ng pagkikimkim ng bilyong pisong halaga ng pondo.
Kaugnay nito, umaapela ang obispo ng pagkakaroon ng mas maayos na sistema sa health care system ng Pilipinas upang hindi magamit sa korapsyon ang pondong nakalaan sa programa.
"But my only concern is how can we be transparent in the spending or where this can be manage well, Because if there is no systematic way of spending to which this has been intended to be. then this will be another chaotic enterprise," ayon kay Bishop Florencio.
Ipinagdarasal ng Obispo na matuto ang bawat isa at mga opisyal sa pamahalaan upang hindi na maulit pa ang corruption sa paggamit ng pondo ng mga government project.
"I really don't know if all of these are really meant for health care or if there are other clauses as to the use of such huge amount. Let us learn from the past,' ayon pa sa mensahe ng Obispo. —LBG, GMA News