Pumanaw na dahil sa komplikasyong dulot ng COVID-19, ang maybahay ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos Sr., na si Corazon de Castro Abalos.
Sa Facebook post, dama ang pagdadalamhati ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson na si Benhur Abalos, sa pagkawala ng ina na ilang buwan na pakipaglaban sa sakit.
“I am sorry if I was not able to keep my promise to you in the hospital that you would be healed and would be strong with us,” sabi ni Benhur sa mensahe para sa kaniyang ina.
“I’m very sorry mommy. I know of how you fought up to your last breath to fulfill this dream to be with dad and us your family for almost seven months. Our heart is shattered right now of your passing,” patuloy niya.
MOTHER, MAMA, MUM, MOM, NANAY-the sweetest word in the English language. It connotes giver of life, nurture, care,...
Posted by Benjamin Jr Abalos on Monday, January 25, 2021
Hulyo noong nakaraang taon nang unang maiulat na nagpositibo sa COVID-19 ang mag-asawang Benjamin at Corazon.
Bago matapos ang naturang buwan, nakalabas ng ospital si Benjamin pero nanatili naman ang paggamot kay Gng. Abalos.
Sa inilabas na pahayag ng pamilya Abalos family, sinabing pumanaw si Corazon dahil sa severe sepsis, secondary to pneumonia bunga ng COVID-19 nitong Lunes.
“The night before her passing, she tested positive for COVID-19. Some of our family members have been exposed and immediately subjected to testing pursuant to IATF protocols,” ayon sa pahayag.
Sumailalim umano ang mga miyembro ng pamilya sa COVID-19 tests at negatibo naman ang mga resulta.
“Despite this, the members exposed still have to undergo another five-day quarantine and another swabbing, abiding by health guidelines,” patuloy nila.
“The family decided that instead, there will be a service and mass on the 2nd of February, should everything and everyone be cleared,” ayon pa sa pahayag. —FRJ, GMA News