Inimungkahi ni Yves Gonzalez, dating traffic discipline head ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na muling magkaroon ng bike sharing system sa EDSA ngayong ipinatutupad ang General Community Quarantine sa Metro Manila.
"Number one I think magandang i-explore ulit 'yung bike sharing. Nowadays meron na tayong bus sa EDSA na parang 'yon yung trunkline pero ang problema wala pa rin 'yung feeder lines. So it would be good para doon sa mga kasamahan natin na walang sariling bike na meron sanang bike-sharing mechanism," sabi ni Yves sa online talk show ni Paolo Contis na "Just In."
READ: MMDA opens bike lane, bike sharing system on EDSA
Sa ilalim daw ng bike sharing mechanism noong nasa MMDA siya, maaaring kumuha ang isang tao ng bisikleta sa isang point sa EDSA na sasakyan niya at isasauli o iiwan sa kabilang point ng kaniyang destinasyon.
WATCH: Stand for Truth: Pagbibisikleta sa EDSA, safe nga ba?
"So I think right now, bike sharing would really help sa mga kababayan natin na walang sariling bike," saad ni Yves.
Gayunman, mas maganda pa rin umano kung may sariling bike ang mga taon, ayon kay Yves.
"Pero kung kaya mong makabili ng sarili mong bike, any personal mobility device, motorsiklo, scooter, it's really a good time to invest in that because hindi lang siya investment sa mobility mo eh, investment siya sa health mo dahil it's much better to have your own mobility device than iri-risk mo talaga 'yung personal health mo 'di ba? And siyempre para rin sa pamilya mo 'di ba?," patungkol sa peligro ng hawahan sa virus.
Matatandaang naging MMDA traffic discipline head si Yves, na isa ring app developer, kung saan siya rin ang nakipag-interact noon sa netizens sa Twitter.
Pero nag-resign siya sa MMDA noong 2013.
Kamakailan lang ay naglabas ang DOTr ng mga model ng mga designated bike lanes, pedestrain crossings at bus boarding areas sa EDSA sa ilalim ng general community quarantine.--FRJ, GMA News