Dalawang community volunteer ang inaresto ng pulisya sa Quezon City nitong Sabado dahil sa umano'y pangongotong sa mga nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program.
Ang insidente ay naitala sa Barangay Pasong Tamo, ayon sa ulat ni Luisito Santos sa Dobol B sa News TV.
FLASH REPORT: Dalawang community volunteer, arestado dahil sa umano'y pangongotong sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/F7TYqzu3iD
— DZBB Super Radyo (@dzbb) May 9, 2020
Nakilala ang mga suspek na sina Loloy Guanzon at Wilma Marasigan.
Ayon kay barangay chairman Emmanuel Pilar, tig-P500 ang hininging pera umano ng mga suspek sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program nitong Miyerkoles.
Sabi naman ni Marasigan, kusa raw ibinigay ng mga benepisyaryo ang pera pang-merienda ng mga volunteer.
Sinermonan ni Pilar ang mga suspek.
VIDEO: Nakatikim ng sermon mula sa kapitan ang 2 community volunteer na nanghingi umano ng tig-?500 sa mga SAP beneficiaries. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/rgTFN9Y9vf
— DZBB Super Radyo (@dzbb) May 9, 2020
Mahaharap sa kasong extortion at paglabag sa Bayanihan To Heal As One Act ang mga suspek. —KG, GMA News