Isang 56-anyos na lalaki na nagbenta ng kalakal mula sa lumang bubungan ng kaniyang bahay ang nagbigay ng P46 na bahagi ng kaniyang kita sa isang community pantry sa Quezon City.
"Isang daang tao [kung] magbigay ng halagang P46, malaking tulong dito sa pantry," paliwanag ni Romeo Yap sa ulat ni Bernadette Reyes sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules.
.
"Naisip ko ang daming nakapila, siguro mas kailangan nila," dagdag pa niya.
Bukod kay Yap, nagbigay naman si Joaquin Hagederon ng mga tinapay sa sa Maginhawa Community Pantry.
"It's the best feeling when you give what you can," saad niya.
Sa Marikina City, sa halip na pagkain, mga sapatos ang ipinamigay ng isang shoe store owner.
Matatandaan na nagsimula ang community pantry sa Maginhawa Street sa Quezon City na layuning mabigyan ng makakain ang mga naghihikahos ngayong may nararanasang pandemic.
Ang naturang paraan ng pagtulong, ginaya na sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Narito ang listahan ng mga community pantry sa Metro Manila at kalapit na lalawigan. --FRJ, GMA News