Patuloy na dumadami ang mga baboy-damo na nakikita sa mga parke sa Rome na nagiging problema umano sa ecosystem ng lungsod.

Sa Insugherata park, makikita sa Twitter post ng Agence France-Press, isang malaking baboy-damo ang nakitang pagala-gala at nanginginain ng mga basura hanggang sa residential compound na malapit sa parke,

"Invasive species are taking the place of indigenous species. Adaptable species are replacing ecologically demanding species. There is an ongoing change called evolution, evolution of the wildlife system in the city," ayon kay Francesco Petretti , biologist and president ng Rome zoo.

 

 

Sabi pa niya, "We have an animal that for 22 hours a day destroys everything it finds up to 30 centimeters underground. This is a tremendous impact that is already affecting all the Italian ecosystems: mountain forests, cultivated lands, forests and parks in the cities."

Sa mga nakaraang ulat, napansin na maraming hayop ang nakikitang gumagala sa mga lungsod kasunod ng mga ipinatupad na lockdown sa iba't ibang bansa kung saan naging madalang ang paglabas ng mga tao. --AFP/FRJ, GMA News